Paglalarawan
I-set up, pamahalaan, at kontrolin ang iyong mga Google Nest, Google Wifi, Google Home, at Chromecast device, pati na rin ang libo-libong compatible na nakakonektang gamit sa bahay tulad ng mga ilaw, camera, thermostat, at higit pa – lahat mula sa Google Home app.
I-on ang mga ilaw, i-adjust ang thermostat, o makatanggap ng alerto kapag may tao o package sa iyong pinto sa harap. Magiging available ang Google Home sa Wear OS bilang preview habang patuloy kaming nagdaragdag ng mga kontrol at pagpapahusay.
Isang view ng iyong bahay.
Nagbibigay sa iyo ang tab na Home ng mga shortcut para sa mga bagay na pinakamadalas mong gawin, tulad ng pag-play ng musika at pag-dim sa mga ilaw kapag gusto mong magsimula ng pelikula. Kontrolin ang lahat ng ito sa isa o dalawang pag-tap lang – at mas mabilis na magawa ang magagandang bagay. Hina-highlight ng tab na Feed ang mahahalagang event sa iyong bahay sa iisang lugar. Makakakita ka rin dito ng mga paraan para masulit ang iyong mga device at mapaganda ang setup mo sa bahay.
Gumawa ng Mga Routine na magbibigay-daan sa iyong mag-on ng mga compatible na ilaw, tingnan ang lagay ng panahon, mag-play ng balita, at higit pa, gamit ang isang simpleng command.
Tingnan ang lahat ng active na audio at video stream sa mga compatible na home device mo sa iisang lugar, palitan ang volume, lumaktaw sa susunod na track, o mabilis na palitan kung sa aling speaker magpe-play ang mga ito.
Maunawaan kung ano ang nangyayari sa bahay sa isang sulyap.
Idinisenyo ang Google Home app para ipakita sa iyo ang status ng bahay mo at panatilihin kang up to date sa posibleng napalampas mo. Tingnan ang iyong bahay anumang oras at makakita ng recap ng mga kamakailang event. Puwede ka ring makatanggap ng notification kung may mangyayaring mahalagang bagay habang wala ka.
I-set up ang iyong Nest Wifi at Google Wifi sa loob ng ilang minuto gamit ang Google Home app. Magpatakbo ng mga speed test, mag-set up ng pambisitang network, at walang kahirap-hirap na i-share ang password ng Wi-Fi mo sa pamilya at mga kaibigan. Gumamit ng parental controls gaya ng pag-pause ng Wi-Fi para pamahalaan ang oras ng mga bata online. Awtomatikong bigyang-priyoridad ang trapiko ng pakikipagkumperensya gamit ang video at gaming sa lahat ng device, o magpasya kung aling mga device ang bibigyang-priyoridad para sa lahat ng uri ng trapiko. Makakuha ng higit pang insight sa iyong network, notification man ito kapag may bagong device na sumali sa network mo o mga detalyadong insight para sa pag-troubleshoot ng mahinang koneksyon sa internet.
Isang pribadong bahay ang kapaki-pakinabang na bahay.
Nagsisimula ang pagprotekta ng iyong privacy sa isa sa mga pinaka-advanced na imprastraktura ng seguridad sa buong mundo, na direkta naming binubuo sa lahat ng produkto ng Google kaya secure ang mga ito bilang default. Awtomatikong ide-detect at iba-block ng built-in na seguridad sa Google Account mo ang mga pagbabanta bago makarating sa iyo ang mga ito, para palaging secure ang personal na impormasyon mo.
Bumubuo kami ng mga tool sa privacy na nagpapanatiling ikaw ang may kontrol.
Kontrolin ang iyong aktibidad, mga setting ng privacy, impormasyon, at mga personal na preference sa Google Assistant. Tingnan ang iyong aktibidad, manual itong i-delete, o piliing awtomatiko itong i-delete. Kontrolin ang iyong privacy sa Google Assistant gamit ang boses mo. Magtanong ng mga bagay gaya ng “Saan ko mababago ang mga setting ng privacy ko?” para makakuha ng mga sagot sa mga pinakakaraniwang tanong sa privacy at seguridad.
Bisitahin ang Google Nest Safety Center sa safety.google/nest para matuto pa tungkol sa kung paano namin pinoprotektahan ang iyong impormasyon at nirerespeto ang privacy mo.
* Baka hindi available sa lahat ng rehiyon ang ilang produkto at feature. Kinakailangan ng mga compatible na device.
Ano ang Bago sa Pinakabagong Bersyon
Sa mga susunod na araw, ilulunsad namin ang mga sumusunod:
Gamitin ang Home app para kontrolin ang pag-on/pag-off, volume, pag-playback, mga input, at higit pa para sa iyong mga nakakonektang streaming at media device.
Makakatanggap ang mga user na nag-opt in sa pagtukoy sa presensya ng mga kapaki-pakinabang na alerto kung mali ang lokasyon ng telepono nila.
Mapipili na ng mga user ng camera na magsama ng mga video clip kapag nagsusumite ng feedback sa mga event sa camera.